REYNA NG SWEDEN, LGBT QUEEN

 

 

REYNA NG SWEDEN,  LGBT QUEEN

By Ymmanwel Rico Provinio

 

Kamakailan lamang isang transgender ang nai-elect na congressman ng Bataan. Si Geraldine Roman, ang nahirang na representative sa Congress, nagtrabahong dating editor ng pahayagan sa Espanya.  Mataas ang pinag-aralan at marunong ng Spanish at French. Dahil sa buti ng pagkatao at  husay ng kaalaman sa kanyang probinsya, binoto siya ng kanyang mga constituents. Tanggap ng mga magulang at kamag-anak niya ang kanyang kasarian. Dating congressman din ang ama ni Roman.

 

Noon namang 17th century, may matuturing na “Queen” ng mga LGBT members. Siya’y si Queen Kristina, ang Reyna ng Sweden, noong panahon niya’y  tinanggap at minahal ng kanyang mga pinamumunuan.

 

Ang pelikulang, “The Girl King”, isang Estoryang hango sa Tunay na Buhay ni Queen Kristina ng Sweden. Noon 1933, ang Popular at “Misteryosang” si Greta Garbo ang gumanap sa unang movie version, Queen Christina, na kung saa’y nagtamo siyang ng Best Actress nomination sa Oscars.

 

Alam din ng mga Hollywood insiders ang tunay na kasarian ng napakaganda at highest-paid actress na si Garbo. Maraming nagsasabing siya’y lesbiyana. Pero, walang aminang nangyari. Isang lihim na dinala siya sa kanyang pagpanaw.

 

Sa “The Girl King”, hindi naging madali para sa nakoronahan bilang hari noon, ngunit tinagurian ding reyna. Prinoblema niya ang umpugan ng reason at passion, ang kaibhan ng makaluma at modernong pamumuhay, maging ang salpukan ng kanyang mataas na pinag-aralan at ang nakagawiang tradisyon.  Pressure din sa kanya ang awayan ng mga Katoliko at mga Protestante.

 

Ang contemporary version, “The Girl King”, ang magpapakita at magpapaunawa sa mga manunuod na walang maaaring humadlang sa buhay upang makamit ang ligaya at gumawa ng magagandang bagay. Maging ano man ang sexualidad ng tao, hindi ito makakapigil sa pagsisilbi, pagtulong at pamumuno sa mga tao. Isang inspiring film na napapanahon at naaayon sa modernong pamumuhay.

 

Palabas na sa mga sinehan sa June 1st ng taong ito ang “The Girl King”, may MTRCB rating na R-16 without cuts. Isang exclusive film release ng Solar Pictures.

 

 

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa #TheGirlKing, puntahan ang

Solar Pictures PH sa

FACEBOOK 

TWITTER  

INSTAGRAM

 

 

871 Total Views 2 Views Today